Isa sa mga nakagisnang gawain sa ilang bayan tuwing Bisperas ng Pasko ay ang Panunuluyan. Dito ginugunita ang paghahanap ng bahay ng mag-asawang San Jose at Santa Maria sa Bethlehem. Alam ng halos lahat ng Katolikong Pinoy na wala ni isa man sa mga may-bahay ang nagpatuloy sa kanila. Kaya nga’t isinilang ang ipinangakong Mesiyas sa isang sabsaban. Walang tumanggap sa Diyos noong unang Pasko maliban sa kulungan ng mga hayop. Walang kumilala kundi mga pastol na nasa dulo ng kabihasnan noong magbalita ang anghel sa kanila. Lumaki ang batang si Jesus, nagtrabaho, nangaral, naghimala. Subalit gaya ng sa Kanyang pagsilang, nandoon pa rin ang pagtanggi sa Kanya. Hindi ba’t tinanggihan Siya ng Kanyang mga kababaya’t kamag-anak sa Nazaret?
Sa loob ng halos isang taon, nakasama namin kayo hindi na sa pamamagitan ng pagtatanghal o pagpapamudmod ng mga kopya ng pahayagan. Naging bahagi kayo sa kakaiba naming pagtatanghal sa kakaibang entablado – ang internet.
Hindi naging hadlang kay Jesus ang tanggihan Siya upang isagawa ang Kanyang misyon sa lupa. Hindi rin hadlang sa amin ang tanggiha’t gawan ng masasamang kuwento para gawin ang inaakala naming wasto at nararapat.
Noong unang Pasko, walang humadlang sa plano ng Diyos na isilang Siya bilang tao kahit iluwal pa Siya sa isang di kanais-nais na lugar. Sa ating taunang pagdiriwang, wala nawang maging hadlang sa ikatutupad ng ating mga hangarin.
Maligayang Pasko at maunlad na Bagong Taon, mga kapwa Gagalangineno!

No comments:
Post a Comment