Nasisiyahan na lang ang iba sa atin sa pagiging KBL – Kasal, Binyag, Libing – sapagkat naaalala lang nila ang Simbahan sa ganitong mga okasyon. Pero higit pa dito ang mapabilang sa pagkilos ng Simbahan. Marami tayong selebrasyon na magbibigay-liwanag sa aspetong ito.
Unang-una ay ang Pentekostes. Sa pagpanaog ng Espiritung ipinangako ni Kristo, nagkaroon ng bagong buhay ang mga alagad – mula sa tagalikom ng mga isda sa dagat sila ngayo’y naging tagalikom ng taong magiging tagasunod din ng Panginoon. Tayo ngayon ang mga makabagong alagad ni Kristo. Taglay ang Banal na Espiritu, inaasahan tayo na mag-ambag sa pagtaguyod sa Bayan ng Diyos.
Pangalawang okasyon ay ang Pista ng Banal na Santatlo. Bagamat mayroong tatlong persona (Ama, Anak, at Espiritu Santo), nananatiling iisa ang Diyos. Sa panahon ngayon na tila pinagwawatak-watak tayo ng mga isyu gaya ng sineng ‘Da Vinci Code’ hinahamon tayong maging daan ng pagkakaisa.
Pangatlo ay ang Pista ng Katawan at Dugo ni Kristo. Kung paano tayo pinag-uugnay at pinalalakas ng ordinaryong salu-salo, lalo’t higit na biyaya ang ating matatanggap sa bawat sandaling pinagsasaluhan natin si Kristo sa Banal na Misa – biyayang kailangan natin para mamuhay nang tapat sa pananampalataya.
Pang-apat ay Kapistahan ng Banal na Puso ni Jesus. Punung-puno ng pag-ibig si Kristo para sa atin kung kaya’t patuloy Siyang nagsisilbing halimbawa ng kapayapaan at pagkakasundo. Marami nang beses na nasugatan ang Simbahan. Mapuno din sana tayo ng pag-ibig ni Jesus para makatulong tayo sa paghilom ng mga sugat.
Panglima at panghuli ay ang Pista nina San Pedro at San Pablo, ang mga tanyag na prinsepe ng Simbahan. Kilala si San Pedro bilang pinuno at si San Pablo bilang tagapangaral. Napapabilang tayo sa sari-saring sangay ng Simbahan ngunit lahat ng ito’y mahalagang sangkap sa ikapagtatagumpay ng Simbahan.
Ngayong buwan ng Hunyo,sama-sama nating talakayin at pag-aralan ang mga paksang ito, puno ng pag-asang muli nating madidiskubre ang kagandahang mapabilang sa Simbahan at maging aktibong kabahagi ng Simbahan.

No comments:
Post a Comment