Kadalasan, inilalarawan natin ang Kuwaresma bilang isang negatibo at malungkot na panahon. Kilala kasi ang Kuwaresma bilang panahon ng paggawa ng higit sa nakasanayan na nating gawin, sa larangan ng panalangin, pag-aayuno, at pagbibigay-limos.
Sa alituntunin ni San Benito, inutusan niya ang mga monghe sa kanyang orden na higitan pa ang kanilang pangkaraniwang paglilingkod tuwing Kuwaresma at gawin ito nang may masayang pananabik sa Pasko ng Muling Pagkabuhay.
Sa aming palagay, maaari ding gawing gabay ng iba pang Katoliko ang alituntuning ito dahil lahat naman tayo ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Kuwaresma.
Kung nakagisnan na nating bigyan ng malungkot na kulay ang Kuwaresma, pagkakataon na natin ngayong baguhin ito. Punuin natin ng saya ang ating mga panata. Lakipan natin ng matamis na ngiti ang anumang sakripisyo. Hangga't maaari, iwasan natin ang umangal kapag may humihingi sa atin ng tulong. Hindi ba't binalaan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na huwag tularan ang mga nakasambakol na mukha ng mga pariseo (Mateo 6:1-6, 16-18)?
Mahalaga ding pagnilayan natin ang awa ng Diyos, lalo na at ipinagdiriwang din natin ang Hubileyo ng Awa ngayong 2016. Isa ring dahilan kung bakit nagiging negatibo ang Kuwaresma ay dahil inaakala nating kailangan nating gumawa ng mas maraming dasal, sakripisyo, at kawang-gawa. Sa sobra nating pagbibigay-pansin dito, nakaligtaan na nating kailangan din pala nating tanggapin ang awa ng Diyos - sa mga sakramento, sa ating pamilya, sa ating lipunan. Higit sana nating buksan ang ating puso sa Banal na Awa!
Ang Kuwaresma ay hindi malungkot na hangganan kundi masayang daan patungo sa isang dakilang kapistahan.

No comments:
Post a Comment