Con esta fecha decretamos lo siguiente…
Ito ang mga unang kataga galing sa dokumentong nagtatatag sa parokya ng Saint Joseph de Gagalangin sandaang taon na ang nakakalipas. Sangkap ng nasabing dokumento ang mga dahilan kung bakit isang bagong Kristiyanong pamayanan ang itinatayo sa nayon ng Gagalangin, Tundo. Sang-ayon sa dokumento, isang motu propio ni Arsobispo Jeremias Harty ang pagtataguyod sa bagong parokya. Ibig sabihin, walang grupo ng mga maiimpluwensyang manong at manang na nagpetisyon sa kanya para ihiwalay ang Gagalangin sa Parokya ng Sto. Niño de Tundo. Kusang-loob na inialay sa ating mga ninuno ang magkaroon ng sarili nilang patron, simbahan, kura-paroko, atbp pribilehiyo ng isang parokya.
Isang napakagandang halimbawa ang pagkukusang-loob ni Arsobispo Harty. Kung tutuusin, ito rin ang dapat isapuso’t damdamin ng bawat isang naglilingkod sa parokya – pari man o hindi.
Samantalang ipinagdiriwang ang sentenaryo ng parokya magandang pagnilayan ang mga sumusunod:
Nagkusa ka bang gumawa ng mga hakbang para tipunin ang mga mananampalataya tungo sa iisang hangarin o nuno ka ng pagkakanya-kanya ng mga mayayaman at mahihirap, matatanda at bata, grupong lila at samahang pula? Baka nakakalimutan mo na iisa lang si Kristong ating sinasamba’t pinaniniwalaan.
Nagkusa ka bang hanapin ang puno’t dulo ng isang isyu tungkol sa isang kapanalig o walang kaabug-abog kang nanghusga? Maaalalang naging malumanay ang Mahal na Patrong San Jose nang malaman niyang nagdadalang-tao ang Mahal na Birhen. Nag-isip siya’t nanalangin bago gumawa ng desisyon.
Nagkusa ka bang magpahayag ng iyong sariling pananaw kahit ito’y salungat sa prinsipyo ng Kura o ng nakararami? Baka naman itinikom mo na lang ang iyong bibig sa takot na matanggal ka sa puwesto. Sinasabing sa wakas ng panahon, isusuka ng Diyos ang taong hindi marunong manindigan.
Nagkusa ka bang sumali sa mga tungkuling pansimbahan kahit alam mong wala kang mapagkakakitaan dito? Mabuting halimbawa ang gustong makita ng ibang tao mula sa iyo. Winika ni Jesus na kung hindi mo ito maibibigay mabuti pang talian ka ng gilingan sa leeg at ihagis sa dagat.
Maraming dapat ipagpasalamat ang Gagalangin sa loob ng isang siglo – malaking simbahan, sariling paaralan, papalaganap ng Ebanghelyo, pagtaguyod sa mga mananampalataya - pawang mga bunga ng pagkukusa ng mga taong may mabuting kalooban. Subalit mayroon pa ring mga hamon na dapat itong harapin – intriga, pagkakawatak-watak, inggitan, atbp. Patuloy na mamamayagpag ang mga kasamaang ito kung hindi marunong magkusa ang mga bawat bahagi ng komunidad. Kailangang patunayan ng sambayanan na karapat-dapat siya sa handog na ibinigay sandaang taon na ang nakakaraan.

No comments:
Post a Comment