Powered by Blogger.

Thursday, December 29, 2005

PARISH YOUTH : Mga Unsung Heroes

Ang buwan ng Disyembre ang maituturing na pinakaabalang buwan ng Simbahan subalit higit sa taon na ito para sa ating Parokya sapagkat ipinagdiriwang ang ating Sentenaryo.

Napakaraming aktibidades at proyekto ang naisakatuparan natin nang matagumpay sapagkat kumilos at naghandog ng sarili ang ating mga kabataan. Karamihan sa kanila ay halos sa simbahan na tumira at ang iba pa nga ay naisakripisyo pa pati ang kanilang trabaho.

Eksena by Gener N. GabionHindi sila humihingi ng rekognisyon o pagkilala sa kanilang mga iniambag na tulong sapagkat alam nilang ang Diyos higit sa lahat ang nakababatid nito. Subalit, tayo, bilang kanilang mga kaparokya, ay matuto rin sanang makapagpasalamat man lamang at magbigay inspirasyon sa kanila.

Kabaligtaran ang nangyayari sapagkat sa tuwing oras na ng "picture taking" ay naiiwanan na sila sa isang sulok. Dahil ba sa hindi na nakaligo ang iba sa kanila sa sobrang abala sa paghahanda?

Mga kabataan, maraming salamat sa pagtulad ninyo sa sanggol na isinilang sa sabsaban na sa kalaunan ng Kanyang ibuhay ay iniukol Niya sa paglilingkod sa sangkatauhan, na humantong pa sa pagbubuwis ng Kanyang buhay.

Para sa inyo ang "ikatlong" Archdiocesan award para sa amin.




Photo credits : Gener N. Gabion

1 comment:

Anonymous said...

true very true. minsan sa isang vicariate youth assembly tinanong kung ano nga ba ang papel ng mhga kabataan sa parokya! may sumagot na ang mga kabataan daw ay: tagapaglinis, tagadecorate at taga-ayos, tagapagbigay ng kasiyahan (entertainment) tawanan ang lahat! nakakatawa talaga ngunit sa isang banda, ito ay isang mapait at masaklap na pagkilala sa ating kakayahan!
hanggang ngayon isang malaking katanungan ito (may kasagutan na, naghuhumiyaw pa, ngunit marami pa rin ang hindi marunong tumanggap)

higit pa tayo sa mga nabanggit sa itaas!

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP