Naging makulay ang mga lansangan sa pagpasok ng Hunyo, ang simula ng pasukan sa mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad. Gaya ng nasabi na namin sa isang editoryal siyam na buwan na ang nakalipas, nagkalat ang samu’t saring kulay ng uniporme ng mga mag-aaral. Ngayong Marso, muling nagiging makulay ang buong bansa sa pagtatapos ng ating mga kabataan. Suot ang kanilang toga’t gora, umaakyat sa entablado ang mga nagsunog ng kanilang kilay para tanggapin ang diploma’t medalya, ang mga sagisag ng mabungang pamamalagi sa kadluan ng paaralan. Sa mga gumabay sa mga mag-aaral, ang gradwasyon ay isang okasyong dapat ipagpasalamat. Isang pagkilala sa pagsusumikap at pag-aaruga ng mga magulang at guro sa mga kabataang ipinagkatiwala sa kanila. Para sa mga nagsipagtapos, ang gradwasyon ay isang pintong nagbubukas sa tunay na imahe ng mundo.
Ang tunay na imahe ng mundo sa ngayon ay ang kawalan ng trabaho. Marami tayong paaralan subalit kulang ang bilang ng mga mapagtatrabahuhan. Kaya nga’t ang iba, nagkakasya na lang sa trabahong mababa ang sahod kaysa naman sa wala. Ang iba namang mas mapalad, nakakakita ng trabaho sa ibang bansa.
Aminin natin na sa kabila ng ating pagpapahalaga sa edukasyon, wala tayong makitang matatag at siguradong programa para makahanap ng pagkakakitaan ang mga bagong gradweyt.
Maganda kung maglulunsad ng employment projects ang mga alumni associations ng bawat eskwelahan. Kinakailangan nilang magsilbing tulay para makahanap ng trabaho ang mga magsisipagtapos, trabahong magiging daan para magamit ng mga estudyante ang kanilang natutuhan, trabahong magbibigay sa kanila ng mas magandang kinabukasan.
Samantala, binabati namin ang mga nagsipagtapos sa taong ito. Ngayong nahasa na ang inyong mga isip at puso sa kaalaman, karunungan, at magandang aral, oras na para tanungin ninyo ang inyong sarili: Ano kaya ang aking maiaambag sa lipunan?

No comments:
Post a Comment