Kamakailan lang ay pinawalang-bisa ng pamahalaan ang parusang kamatayan. Para sa Simbahang Katoliko at sa iba pang grupong pro-life ito ay isang okasyong dapat ipagdiwang. Nagtataka lamang kami kung bakit ngayon lang ito ipinatupad ng gobyerno.
Bakit ngayon lang kung kailan maraming nagdududa sa pagkakaluklok kay Gloria sa pinakamataas na puwesto sa bansa? Hindi pa nga nagsisimula ang sesyon sa Kongreso pero maugong na ang mga balitang mayroon magsisipaghain ng reklamo laban kay PGMA. Hindi rin lingid sa atin ang mga alingasngas ng kudeta.
Bakit ngayon lang kung kailan malapit na naman tayong maghalal ng mga pinuno sa Kongreso at lokal na pamahalaan?
Naniniwala kaming totoong mahalaga ang buhay at hindi kamatayan ang solusyon para masawata ang kriminalidad sa bansa. Ito rin sana ang naging pangunahing dahilan ng MalacaƱang at ng Kongreso para ibasura ang death penalty.
Sa anumang pagkilos ng gobyerno – mula sa pag-alis sa parusang kamatayan hanggang sa pagbabago ng Saligang Batas – manatili tayong gising at nagmamasid.
Friday, July 07, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment