Kilalang-kilala ang Couples for Christ (CFC) bilang isang masigasig at laganap na renewal group sa Simbahang lokal ng Pilipinas. Lalo nitong pinaigting ang kanyang misyon nang itaguyod nito ang Gawad Kalinga bilang pagtulong sa mga kapus-palad na walang kakayahang makapagpatayo ng sarili nilang tahanan.
Nakakabigla ang balitang pagkakaroon ng paksyon sa CFC. Sang-ayon sa tumiwalag na grupo, hindi sila nasiyahan sa kung paano ginamit ang pondo para ipagpatayo ng bahay. Bukod dito ay ang alegasyong pagtangkilik sa artipisyal na kontrasepsyon ng CFC. Pareho itong itinanggi ng pamunuan ng organisasyon.
Nakisangkot na ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines sa pag-asang maisalba ang pagkakawatak-watak ng CFC. Nakakalungkot mabalitaang sa kabila ng pakikisangkot ng ating mga obispo nagkahiwalay na nang ganap ang dating matibay at nagkakaisang organisasyon.
Nakakalungkot dahil ang mahihirap na naman ang apektado sa sigalot ng mga taong nagpapakilalang sila'y "for Christ".
No comments:
Post a Comment