Powered by Blogger.

Saturday, January 12, 2008

Usapang Kristiyano't Muslim

ANLUWAGE.COMNagpadala ng isang liham ang 138 iskolar na Muslim kay Pope Benedict XVI noong Oktubre 2007. Sa liham na ito, iminungkahi nila ang pagkakaroon ng diyalogo sa pagitan ng mga Kristiyano't Muslim hinggil sa mga paksang gaya ng pag-ibig sa Diyos at kapwa, pananampalataya sa iisang Diyos, Ang Diyos bilang manlilikha ng lahat ng nabubuhay, atbp.

Bilang tugon sa paanyaya ng mga Muslim, ipinanukala ng Santo Papa ang pagdaraos ng pagpupulong ng mga kinatawan ng dalawang relihiyon sa darating na Spring ng taong kasalukuyan.

Maaalalang may ilang Muslim at pati mga Kristiyano ang tumuligsa sa Santo Papa sa kanyang diskurso sa isang unibersidad sa Alemanya noong 2006. Dahil sa makitid at iresponsableng pagkaunawa sa kanyang talumpati, inakala nilang binabatikos ng Papa ang Islam. Subalit sa kabila ng lahat, patuloy pa ring nananaig ang mabuting hangarin ng magkabilang panig na magkaayos.

Huwag sana nating kaligtaang isama sa ating panalangin ang magandang kahihinatnan ng makasaysayang okasyon na ito. At sikapin ding maging daan ng magandang pakikipag-ugnayan sa mga kababayan nating Muslim.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP