Madalas na negatibo at malungkot ang dating ng Kuwaresma sa atin. Di gaya ng Pasko na pawang puno ng palamuti at kasayahan, ibang-iba ang Kuwaresma. Bukod sa pagsasakrispisyo at pamimigay ng limos, nandyan din ang pagkakataong muling suriin ang sarili. Kung hindi na nga madali ang pagsasakripisyo, gaano pa kaya ang makatotohanang pagsisiyasat sa ating personal na pamumuhay? Kaya nga hindi maiwasan ang pagbubuntong-hininga ng ilan sa atin tuwing sasapit ang Kuwaresma.
Ngunit dapat bang maging ganito ang ating pananaw sa isang napakagandang panahon sa ating Simbahan? Ang katumbas ng Kuwaresma sa Ingles ay "Lent" na hango sa isang lumang Ingles na ang ibig sabihi'y tagsibol. Sa mga bansang may apat na panahon (tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig), ang panahon ng Kuwaresma ay nagbabadya ng mas mahabang araw at pagsibol ng mga halamang tila 'namatay' noong nagdaang taglamig.
Kung ang tagsibol ay isang okasyon kung saan tumutubong muli ang mga pananim at lumilitaw ang araw nang mas matagal na siyang nagpapasigla sa mga tao, ganito rin ang dapat nating makita sa Kuwaresma. Ito'y isang panahong, bagamat may mga pagsasakripisyo, ay dapat na mapuno at magdulot ng ligaya at bagong sigla sa atin.
Kung ang lupa'y 'nagpepenitensya' sa pamamagitan ng pag-aararo at pagpapataba upang magkaroon ng masaganang ani, tayo rin ay nagpepenitensya upang patabian at palusugin ang ating mga puso kung saan sisibol ang magagandang bunga na maaari nating ibahagi sa kapwa.
Tandaan nating ang buhay natin ay mahalaga sa paningin ng Maylikha at sa kabila ng ating mga kasalanan ay naengganyo pa Siyang iligtas tayo sa pamamagitan ng Kanyang nag-iisang Anak. Hindi ba't dapat lang na maengganyo din tayong makiisa sa mga gawain at aral ng Kuresma, maengganyong magbigay-limos at manalangin bilang pakonswelo man lang sa pagmamagandang-loob ng Ama sa atin?

No comments:
Post a Comment