Powered by Blogger.

Thursday, July 21, 2005

Eukaristiya at Teknolohiya



Nabigla kami nang mabalitaan namin ang pagbebenta ng Banal na Ostya sa eBay. Sang-ayon sa nagbenta – isang Amerikana - dalawang beses siyang nangumunyon sa Misa ng Papa noong 1998. Kinain niya ang isa, samantalang inilako ang pangalawa bilang souvenir sa nabanggit na Misa. Napag-alaman din na hindi pala siya isang Katoliko. Napilitan siyang ibalik ang ostya sa mga awtoridad ng Simbahan matapos ang matinding pagprotesta ng mga tao.


Nagwelga ang mga Katoliko sa Amerika para hilingin sa eBay na ipagbawal ang pagbenta ng Eukaristiya. Noong una, ayaw tratuhin ng eBay na isang prohibited item ang ostya, sa kabila ng pagtanggi nitong ibenta ang mga Indian artefacts na may religious value. Hindi natinag ang mga nagprotesta. Makalipas bahain ng mga emails, liham, at tawag sa telepono, binago ng eBay ang kanilang posisyon.


Marami pang halimbawa ng pagsasalaula sa Banal na Eukaristiya ang ating maririnig o makikita. Naririyan ang ilang sabungerong ipapakain ang ostya sa kanilang “kristo” para manalo sa laban. Meron ding kulto na nagpupunta sa iba’t ibang lugar kung saan maglalagay sila ng altar na puno ng imahen at sa gitna nito makikita ang isang monstrance na mayroong ostya.


Hindi basta-basta ang ordinaryong ostya na ating tinatanggap sa Misa. Buhay ng Diyos ang naging kapalit para magkaroon tayo ng pagkaing magpapalakas sa ating mga kaluluwa. Ang Eukaristiya ay isang napakahalagang kayamanan na kahit ang teknolohiya ay dapat marunong manikluhod sa kanya.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP