Powered by Blogger.

Thursday, September 08, 2005

Ang Aming Alay Kay Inay

anluwage.com


Nakagawian na natin na magsimba tuwing sasapit ang ating kaarawan. Hindi kumpleto ang araw natin na di magpunta sa simbahan at makiisa sa Misa. Kung tutuusin, ang salitang Eukaristiya – isa sa mga katawagan natin sa Banal na Pagdiriwang – ay hango sa salitang banyaga na ang ibig sabihi’y “pasasalamat”. Ang Misa ay isang pasasalamat ng buong Bayan ng Diyos sa biyaya ng kaligtasan dulot ng paghahain ni Jesus ng Kanyang sariling buhay para sa Kanyang mga tagasunod. Wala na hihigit pang paraan para maipahayag natin ang ating indibidwal na pasasalamat kundi sa Misa kaisa ng ating mga kapatid sa buong mundo.

Kung kaya’t itong Taon ng Eukaristiya nararapat lang na samantalahin natin ang pagkakataong madiskubreng muli ang halaga ng Misa at kung paano pa tayo lalong magiging marapat makilahok dito. Napakapalad ng ating bansa sapagkat kasabay ng selebrasyong ito, inaalala din nating ang Taon ni Maria. Kung mayroong magsisilbing huwaran para lalo nating mapahahalagahan ang Banal na Eukaristiya wala ng iba kundi si Maria, ang Ina ng Diyos at ng Banal na Simbahan.

Sa pagdaraos ng kaarawan ng Mahal na Birhen, inaanyayahan naming kayong tunghayan ang tampok naming pitak parangal sa kanya pinamagatang “Celebrating the Eucharist with Mary”. Basahin din ninyo ang samu’t saring natatanging artikulo patungkol sa kanya.

Sa kanyang kaarawan, sariwain natin ang ating debosyon sa kanya at ating bigkasin: “Inang Minamahal, kay Jesus kami’y ‘yong ialay. Ilaan sa Kanyang kaharian, upang Diyos ay maparangalan. Ilaan sa Kanyang kaharian, upang kapwa’y mapaglingkuran.”

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP