Isang napakahalagang institusyon na humuhubog sa kabataang may hilig magpari ay ang seminaryo. Sa kalakhang Maynila, kilala ang mga gaya ng San Carlos at UST. Subalit mayroong isang namumukod-tangi, ang Our Lady of Guadalupe Minor Seminary (OLGMS) na matatagpuan sa EDSA.
Itinatag ng yumaong Rufino Cardinal Santos noon Dekada 50, layunin ng OLGMS na magsilbing Archdiocesan High School para sa maraming mga musmos na kalalakihang may potensyal na magsilbi sa sambayanan ng Diyos balang-araw.
Sang-ayon kay Fr. Rolando Agustin, rektor ng seminaryo, disenyo ng sistema ng kanilang edukasyon na ihanda ang mga seminarista hindi lamang sa pagpapari kundi maging mga pinunong maglilingkod sa pamayanang Kristiyano. Ilan sa mga kilalang produkto ng OLGMS sina Archbishop Ramon Arguelles ng Lipa, Bishop Antonio Tobias ng Novaliches, Bishop Pedro Arigo ng Puerto Princesa, at Msgr Mario Enriquez, dating kura ng Gagalangin at kinikilalang Ama ng Anluwage. Nagkaloob din ang nasabing seminaryo ng mga negosyante, guro, at manunulat na pare-parehong nag-aambag ng kanilang kayayahan sa ikabubuti ng lipunan.
Sa panahon ngayon, nahaharap sa malaking pagsubok ang mga seminaryong gaya nito. Kakaunti na lang ang nagnanais magpari dulot ng nagbabagong panahon. Sa kabila nito, patuloy na humaharap sa hamon ng kasalukuyan ang mga namamahala at nagtuturo sa OLGMS na maghasik ng mga binhi ng pagmamahal, katapatan, at pagpapahalaga sa kanilang mga mag-aaral.
Binabati namin ang OLGMS sa pagdiriwang ng kanyang ika-50 taong anibersaryo. Makiisa tayo sa pagdarasal, tulong-pinansyal o moral upang manatili siyang matatag at tapat sa paghasa ng puso’t isipan ng mga kabataang Pinoy, ang yaman at pag-asa ng Simbahan. Suportahan din ang mga nakababatang miyembro ng ating lipunan na nag-iisip kung pagpapari nga ba ang nararapat nilang kuning bokasyon sa buhay.

No comments:
Post a Comment