Powered by Blogger.

Thursday, January 26, 2006

Power

Ang January 29, 2006 ay itinalaga ng Simbahan bilang National Bible Sunday. Napapanahon ang napiling paksa ng pagdiriwang sa taon na ito - GOD'S WORD: POWER FOR NATIONAL RENEWAL.

Masakit man aminin subalit totoong nagkakalat tayo bilang isang bansa. Ang ating mga batas ay kayang-kayang paikutin, paglaruan at baguhin pabor sa sinumang nasa kapangyarihan ngayon. Samantalang ang karaniwang mga mamamayan ay namimili na rin sa mga batas na gustong sundin at ibinabatay sa hilig ng katawan. Kanino pa ba tayo magmamana kundi sa mga nasa katungkulan na rin.

Isang klasikong halimbawa na lamang ang usapin sa population control na ipinipilit ng ilang sektor bilang sagot umano sa kahirapan ng mundo. Kesehodang labagin natin ang turo ng Diyos hinggil sa kahalagahan ng buhay mapagtakpan lamang ang tunay na sugat ng daigdig - ang kasakiman.

Kung nais natin tumino, iisa lamang ang tanging paraan - ang bumalik tayo sa basic: sundin natin nang mataimtim ang mga utos ng Diyos (ang Kanyang mga Salita) - at tiyak hindi tayo masisilat. Ang mga ito ang batas ng lahat ng mga batas at Salita ng lahat ng mga salita. At saan natin matatagpuan ang mga ito?

Sa Bibliya.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP