May ilang okasyon na pinangungunahan ng samu’t saring pagdiriwang. Noong Disyembre, sa bawat sulok ng bansa isinagawa ang Simbang Gabi bilang preparasyon sa Pasko. Ang Semana Santa ay isang halimbawa ng selebrasyong naghahanda para sa dakilang pista ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Ang bisperas ng isang pista ay hindi isang ordinaryong araw sapagkat pinatitikim na tayo nito sa mga pakulo ng mismong pista.
Mayroon namang mga okasyon na idinaraos nang mas maaga dahil sa praktikalidad o anumang mabigat na kadahilanan. Kung matatapat ang isang kaarawan sa ordinaryong araw, inililipat ito sa Sabado o Linggong pinakamalapit.
Wala siguro tayong makikitang nagdiriwang ng Pasko sa Hunyo o kaya’y isang kaarawan kung ilang buwan na itong nakalipas. Subalit ganito ang mangyayari sa parokya ng Gagalangin ngayong 2006.
Ano ang okasyon? Ang sentenaryo ng parokya.
Ito ba ang dahilan kung kaya’t hindi nadama ng nakararami ang ika-100 taong anibersaryo noong ika-16 ng Disyembre 2005? Inaakala ng ibang nagsisimba na kaya lang puno ng palamuti ang simbahan ay dahil sa Kapaskuhan.
Hindi ba’t noon pa lang 2003 ay binalasang muli ang Centennial Committee na siyang magbabalangkas ng mga programa para sa nasabing okasyon?
Hindi kaya sa sobrang inggit kina Albano at mga kasama ay binago na ang kasaysayan ng parokya?
Walang katapusang katanungan.
Sa ganang amin, isa lang itong nakakainsultong pagdiriwang. Kalunus-lunos isiping sa tindi ng maruming pulitika nagmistula nang ulyanin ang Gagalangin sa kanyang wastong edad.

2 comments:
ilang taong pinaghandaan at iyun lang? it was a very disappointing celebration!
di naman sa masyado tayong mapaghanap, kaya lang kahit paano tingnan...talagang KULANG.
Post a Comment