Sa ika-25 ng Marso, inaalala natin ang Kapistahan ng Pagbati ng Anghel kay Birheng Maria (Annunciation). Sa pagpapakita ng anghel, nabatid ni Maria ang pagpili sa kanya ng Diyos na maging Ina Niya. Mula noon, nabago na ang takbo ng buhay ni Maria at ng lahat ng tao.
Inaalala din natin sa parehong petsa ang ika-26 na taong anibersaryo ng kamatayan ni Rev Msgr Pedro S Pajarillo, isa sa mga naging kura-paroko ng Gagalangin. Kinakitaan ng matinding pag-unlad ang parokya sa kanyang halos limang dekadang panunungkulan. Napalitan ng mas malaking simbahan ang dating masikip na visita. Nakapagpatayo ng isang parochial school. Nagsimulang makisangkot ang ordinaryong mananampalataya sa buhay-parokya. Sumigla ang debosyon kay San Jose at sa iba pang mga banal.
Parehong inanyayahan ang Mahal na Ina at si Msgr Pajarillo para sa isang matinding tungkulin. Naging masusi ang pag-oo nila sa imbitasyon ng Diyos. Maaari nilang tanggihan ito. Sa kabila ng kanilang kakulangan bilang tao, naging bukas sila sa biyaya ng Maykapal. Puno ng pananalig sa Itaas, tinanggap nila ang responsibilidad.
Habang patuloy tayong naghahanda sa Pasko ng Muling Pagkabuhay, pakatandaan natin na tayo rin ay inaanyayahan ng Diyos. Pagnilayan natin kung anu-ano ang mga balakid sa ating pagsunod sa Kanya. Kapag nakilala natin ang mga hadlang na ito, unti-unti nati silang alisin. Sumampalataya tayo sa Diyos – Siya’y sumasaatin.

No comments:
Post a Comment