Ngayong ika-9 ng Abril inaalala natin ang kagitingan ng ating mga ninunong sundalo na nagbuwis ng buhay para sa Inang Bayan. Matapos bumagsak sa kamay ng mga Hapon ang magkasanib na puwersang Pilipino at Amerikano, nagmartsa ang mga nalupig na sundalo mula Bataan patungong Tarlac - isang martsang higit na kilala bilang “Death March”.
Hindi nalalayo ang istoryang ito sa kagitingan ng isang gurong nanindigan para sa katotohanan at nagsilbing kasangga ng mga api. Sa kasagsagan ng Kanyang ministeryo, naging tinik Siya sa dibdib ng mga makapangyarihang Hudyo. Dumanas ng di mabilang na hirap si Jesus bago Siya dinala sa Kalbaryo: ipagkanulo Siya ng Kanyang kaibigan, itinatwa ng isa pang kilalang alagad, pinagpasapasahang parang bola nina Pilato at Herodes, at nilibak ng sarili Niyang mga kababayan.
Sa kabila ng mga pagpapakasakit na ito, nanatiling tapat si Kristo sa pagtupad ng Kanyang tungkulin bilang Tagapagligtas ng mundo. Puno ng pagtitiwala sa Amang nagsugo sa Kanya, inialay Niya ang Kanyang buhay sa krus. Ito ang magandang ehemplong tinularan ng ating mga bayani. Gaya ni Jesus, hindi nila ininda ang anumang pagpapahirap ng mga kaaway sapagkat nakalaan na ang kanilang buhay para sa isang dakilang adhikain.
Habang pinagninilayan natin ang pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Kristo, maalala nawa natin ang tindi ng Kanyang kagitingan. Hanggang ngayon, marami pa rin ang salat sa biyaya ng Diyos. Handa ba tayong punan ang kanilang kakulangan gaya ng ginawa ng ating Magiting na Panginoon ?

No comments:
Post a Comment