Powered by Blogger.

Friday, October 06, 2006

Ituloy ang Misyon!

Bukod sa pagiging Buwan ng Banal na Rosaryo, kilala rin ang Okubre bilang Buwan ng Misyon. Sa kasaysayan ng Kaligtasan natunghayan nating iniwan ni Jesus ang Nazaret para mangaral at magpagaling sa Bayang Israel. Nakita rin natin kung paano ikinalat ng mga alagad ang Mabuting Balita ni Kristo sa iba't ibang bahagi ng mundo. Kagaya ng kanilang Guro, dumanas sila ng katakut-takot na pag-uusig, kahirapan, at kamatayan matupad lamang ang dakilang utos ng Panginoon.

Mula sa mga alagad marami pa ang lumisan sa kanilang mga tahanan para abutin ang mga kaluluwang ligaw. Isa na rito ang mga misyonerong Kastila na dumaong sa ating bansa halos limang siglo na ang nakakalipas. Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy pa rin ang pagkalat ng Ebanghelyo dahil sa dedikasyon ng mga misyonero at kagandahang-loob ng mga taong kanilang pinaglilingkuran.

Labinlimang taon na ang nakakalipas mula nang itatag sa isang dako ng Gagalangin, Tondo, Maynila ang Tanghalang Anluwage, Inc. Dati-rati kami'y nakatuon sa iisang lokalidad lamang. Subalit gaya ng mga sinaunang misyonero iniwan namin ang parokyang kinikilala naming ina para pagsilbihan ang mga tao sa maraming sulok ng daigdig sa pamamagitan ng website. Umaasa kaming ang iba pang sangay ng grupo ay muling maitataguyod.

Sa pagdiriwang ng aming anibersaryo muli kaming nananawagan sa inyong walang-kupas na suporta. Samahan ninyo kami sa pagpapatuloy ng aming misyon.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP