IPARINIG ANG TINIG
Isa sa mga tampok na kaganapan sa ating bansa ngayong 2007 ay ang pambansa at lokal na halalan. Disyembre pa lang noong isang taon ay para nang kampanya dahil sa dami ng mga paskil ng mga pulitikong bumabati ng "Maligayang Pasko". Ganito rin ang naging eksena noong ipagdiwang ang Pista ng Poong Nazareno sa Quiapo. Marami pang gimik ang nagsusulputan habang papalapit ang Mayo.
Subalit ano itong napabalitang karamihan sa mga kabataang Pinoy ay ayaw nang makisangkot sa pagpili ng magiging mga lider ng bayan.
Hindi natin masisisi ang malaking sektor na ito sa matabang nilang pagresponde sa halalan. Sa lakas ng teknolohiya ngayon, hindi na lingid sa kanila ang dumi ng pulitika, ang garapal na pag-abuso sa kapangyarihan, at ang sadyang pagtalikod ng mga may-kapangyarihan sa sinumpaan nilang tungkulin.
Subalit hindi dahilan ang mga ito para mawalan ng gana ang mga kabataan para gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto.
Ilan lang ito sa aming maipapayo sa mga kabataang Pinoy:
1. Kilatisin ninyong maigi ang plataporma, paniniwala, at pamumuhay ng bawat kandidato.
2. Maglunsad o makibahagi kayo sa mga diskusyunan tungkol sa halalan. Maaari itong ganapin sa paaralan o sa iba pang lugar gaya ng parokya.
3. Makiisa sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPC-RV). Dumulog kayo sa inyong mga kura-paroko tungkol dito.
Mga kabataan, marami pa kayong magagawa para sa ating bansa. Sa darating na halalan, iparinig ninyo sa lahat ang malakas ninyong tinig. Isang tinig ng pagbabago para sa Inang Bayan.

No comments:
Post a Comment