Powered by Blogger.

Thursday, July 26, 2007

Pitak sa Puso

Matapos ang 39 na araw na pagkabihag ng mga rebeldeng Moro, lumaya na si Fr Giancarlo Bossi, kura-paroko ng St Paul Parish, Payao, Zamboanga Sibugay.

Ipinahayag ng Italyanong misyonero na wala siyang balak na lisanin ang Payao dahil, sang-ayon sa kanya, ang puso niya ay nananatili pa rin sa Payao.

Ilan sa atin ang makakapagsabi ng ganito sa ating lupang sinilangan?

Maraming Pinoy ang nangibang bansa para kumita nang marami upang itaguyod ang kanilang pamilyang pansamantalang iniwanan. Wala ito kaso lalo na't halatang-halata ang kahirapan sa atin. Ang masama ay ang tahasang paglimot sa ating mga nakagisnang tradisyon, paniniwala, at values.

Sa Amerika, halimbawa, usung-uso ang pagpapakasal ng mga Pinoy sa mga US citizens para lang magkamit sila ng parehong estado at maipetisyon ang kanilang mga anak na makapamuhay sa Amerika bilang mga mamamayan nito. Magandang resulta pero kapalit ng paglapastangan sa kasagraduhan ng Kasal, ng pamilya, at ng pakikipag-kapwa.

Mayroon ding mga Pinoy na kahit nasa Pilipinas ay walang pagmamahal sa bayan. Maraming nanalong senador na buhat sa oposisyon, subalit sila'y nagkawatak-watak sa pagpili ng pangulo ng senado dahil ilan sa kanila ay nag-aambisyon nang maging pangulo ng bansa sa 2010.

Maging aral nawa sa atin ang nangyaring pagkabihag at pagpapalaya kay Fr Bossi. Anuman ang mangyari sa atin, saan man tayo makapunta, magkaroon pa rin nawa ng pitak sa ating puso ang ating Inang Bayan.

2 comments:

Anonymous said...

Bilib ako kay Father Bossi, kahit lama niyang anytime ay makikidnap pa rin siya at ang Italian Government ay mamomroblema na naman dahil sa kanya ayn hindi parin niya lilisanin ang Payao

Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa kanya

Anonymous said...

hehehehe,.. ganyan talaga pag paring Pilipino,... Pilipino na siya hehehehe

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP