Sabi ng ilang theologians, tayo na ang mga bagong Belen at ang ating mga puso ang siyang pinakasabsaban kung saan dapat nananahan ang Panginoon. Ngunit anong klaseng Belen ba tayo? Kagaya pa rin ba ng unang Belen na mabaho at punong-puno ng sari-saring dumi?
Kung gusto natin makapagbigay ng matinding regalo sa Panginoon, wala nang hihigit pa kung mabibigyan natin Siya ng isang bagong belen na may malinis na sabsaban. Ang panahon ng Adbiyento ang ating pagkakataon upang linisin ang ating sabsaban mula sa dumi ng mundong ito.
Mayroon pa tayong dalawampu’t tatlong araw, mula Disyembre 2, ang Unang Linggo ng Adbiyento, upang tanggalan ng dumi ang ating mga sabsaban sa pamamagitan ng pagkukumpisal (na siyang magsisilbing kalaykay), pagninilay (bilang disinfectant) at paggawa ng kabutihan sa ating kapwa ( na siyang magsisilbing palamuti at air freshner ).
Nawa’y sa pagdiriwang natin ng Pasko isang bagung-bago, malinis at mabangong Belen ang maihandog natin sa Nino Jesus, sa Kanyang muling pagsilang sa ating mga puso.
Saturday, December 01, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Oo nga, kailangan talagang linisin nating ang sarii natin para sa nalalapit sa xmas....
Post a Comment