Powered by Blogger.

Monday, December 31, 2007

Bagong Taon!

Sa pagsisimula ng anumang bago, hindi natin maiwasan ang magbalik-tanaw sa nakalipas. Kapag tumungtong na tayo sa kolehiyo, inaalala pa rin natin ang buhay-hayskul. Sa mga video presentation ng kasal, ipinapakita rin ang mga kuha noong bata pa ang lalaki at babaeng mag-iisang dibdib. Sa Banal na Misa, ginugunita natin ang pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon. Tila walang saysay ang kasalukuyan at hinaharap kung hindi papansinin ang nakaraan.

Sa ganang amin sa anluwage.com, marami kaming dapat ipagpasalamat sa nakalipas na taong 2007. Unang-una na rito ay ang biyayang makapagsilbi sa inyo. Noong una, inakala naming ang website na ito'y para lamang sa mga taga-Gagalangin, Tondo, Maynila kung saan kami nagsimula. Subalit napuna naming maraming Pilipino na kahit hindi taga-Gagalangin ang nagbabasa at posibleng magsulat sa Anluwage. Ang patuloy na paglabas ng "The Seven Last Words" at "Nine Gifts" ang magpapatunay dito.

Nagpapasalamat kami, siyempre, sa Poong Maykapal na laging pumapatnubay sa aming mga balakin. Taglay ang pagpapala Niya, patuloy naming pagsisikapang maging tagapag-ugnay ng mga Katolikong Pilipinong nagkalat sa buong mundo. Bilang pagsunod sa Kanyang paanyaya, maghihikayat pa kami ng mas marami pang tao para maglingkod sa Kanya sa website.

Marami pang hamon tayong kailangang harapin, subalit naniniwala kaming sa ating patuloy na pagkakaisa lalong madarama ng mundo ang presenya ni Jesus, ang Salitang nagkatawang-Tao.

Isang masaganang 2008 po sa inyong lahat!

2 comments:

Anonymous said...

UU nga nu>>>


Pati akU tga mrUlas valenzuela nkaabUt rin dito eh, hehehe



praise d Lord!!!

Anonymous said...

Happeee new yEar po!!

Mabuhay ang anluwage.com!!!!

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP