Powered by Blogger.

Saturday, January 05, 2008

Ipakilala Mo na Siya!

Ang Kapistahan ng Epiphany o Pagpapakilala ng Panginoon ay isa sa tatlong pistang ipinagdiriwang natin ngayong Kapaskuhan. Sa pistang ito, ipinamalas na ng Diyos ang Kanyang presensya sa mga di-Hudyo na kinakatawan ng tatlong haring mago.

Napakahalaga na maipakilala ka sa ibang tao lalo na't kung mayroon siyang importanteng papel na gagampanan sa buhay mo. Sa una ninyong pagtatagpo, maaaring magsimula ang isang magandang ugnayan. Para sa tatlong hari, sinasabing matapos silang sumamba kay Jesus ay bumalik sila sa kanilang mga bansa sa pamamagitan ng ibang daan. Ganito rin ang nagaganap sa atin sa oras na makilala natin ang isang mahalagang tao - magulang, kapatid, kamag-anak, kasintahan, asawa, anak, atbp - nagbabago ang tinatahak nating daan sa buhay.

Nitong Pasko, sinariwa natin ang pakikiisa ng Diyos sa ating mga tao. Nagpakilala na Siya sa atin at patuloy na nagpapakilala sa maraming anyo - sa pagdarasal, sa pakikinig at pagninilay sa Kanyang Salita, sa ating pakikisalamuha sa kapwa. Magmula noon, sa dating daan pa ba tayo dinadala ng ating mga paa?
Habang papalapit na naman ang pagtatapos ng masayang panahon ng Kapaskuhan, sikapin nating ipakilala si Jesus sa iba. Isang maganda at bagong 'daan' para maipakilala natin ang Panginoon sa iba ay aktibong makikilahok sa anluwage.com. May talento ka ba sa pagsusulat o pagguguhit o pananaliksik? Anumang abilidad mayroon ka, huwag mong itago! Ibahagi mo upang lalo pang sumikat si Kristo sa mundo at magbago ang takbo ng buhay ng sinumang makakakilala sa Kanya.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP