May mga pagkakataong nirereto natin ang isang kaibigan o kakilala sa isa pang kaibigan. Naniniwala tayong sa pamamagitan ng pagrereto, magbubunga ng isang malalim na ugnayan ang dalawang tao. May mga nireto na nagkakatuluyan subalit mayroon ding hindi.
Sa mga nangrereto, mahalagang alam na alam nila kung sino itong taong gusto nilang ipakilala sa iba. Kung baga itinataya ng mga nangrereto ang kanilang reputasyon sa pagpapakilala ng kanilang kaibigan. Oras na masira ang taong ito sa naireto sa kanya, para na ring nasira ang karakter ng mga nagpakilala.
Hindi lang mapapangasawa ang nirereto. Posible ring ireto natin sa kapwa ang Diyos. Bagamat lahat halos tayo'y bininyagan na, hindi lahat ay mayroong personal na ugnayan sa Panginoon. Hindi lahat ay nakapagdarasal, hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataong tumanggap ng mga sakramento, hindi lahat ay may kakayahang lalo pa Siyang makilala.
Ang ating pagrereto ng kapwa sa Diyos ay magagawa natin sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa. Kinakailangang magkasundo ang dalawang ito sapagkat kung iba ang ating sinasabi sa ating ginagawa hindi natin ganap na mairereto ang iba kay Kristo. Maireto man natin sila, baka di maging malalim at pangmatagalan ang kanilang relasyon sa Kanya. Mahalaga rin na kaya nating ipaglaban ang ating nirereto hanggang sa huli at di tulad ng mga unang alagad na bumaligtad nang hulihin at ipapatay ng mga Hudyo si Jesus.
Ang mga santo, lalo na ang mga personal na nakasama ni Jesus, ang mga unang-unang makakapagreto sa atin sa Kanya. May ilan, gaya nina San Pablo, San Pedro, at San Juan na nagsalita at nagsulat ng kanilang mga patotoo sa Diyos. Pero may ilan na nagpatotoo sa pamamagitan ng kanilang tahimik na pamumuhay, gaya ni San Jose, ang tumayong ama ni Jesus sa lupa. Bilang mga deboto ni San Jose, kami sa anluwage.com ay nagsisikap na ikalat ang kanyang debosyon lalo na ang pamimintuho sa kanyang pitong hapis at tuwa. Naniniwala kaming sa pamamagitan ng debosyong ito, mairereto pa tayong maigi ni San Jose sa kanyang anak at ating Panginoong Jesus.
Habang patuloy ang ating paggunita sa Kuwaresma, gayon din sa kapistahan ni San Jose sa ika-19 ng Marso, sikapin nating maging mga epektibong mangrereto ng Panginoon. Sabi nga ng isang sikat na samahang relihiyoso: "Inaasahan ka ni Kristo."

No comments:
Post a Comment