Madalas, ang paaralan ang pinupuri kapag nagkamit ng karangalan ang isa nitong produkto. Sa kasamaang-palad, ito rin ang napagbubuntunan ng sisi sa mga tiwali nitong estudyante. Subalit, hindi lamang sa paaralan dapat iatang ang responsibilidad na hubugin nang tama ang isang tao. Isa itong tungkuling ginagampanan ng pamilya (lalo na ng mga magulang), Simbahan, pamahalaan, at iba pang sangay ng lipunan.
Kung noong unang panahon, nakatutok lamang mga estudyante sa eskwela, simbahan, at tahanan, ibang-iba na ngayon. Sa pagsulong ng teknolohiya at media, tila lalong nahahati ang atensyon ng mga estudyante. Misan pa nga, ito pa ang sisira sa kanilang pag-aaral. Dagdagan pa ng mga eskandalong dulot ng mga taong dapat magsilbing mabuting halimbawa sa kanila.
Kung sisisihin natin ang paaralan sa kapalpakan ng mga estudyante, para na rin nating sinisi si Jesus sa kabulukan ni Judas o ang puno sa maasim nitong bunga. May kinalaman ang bawat isa sa atin sa tagumpay o kasalanan ng ating kapwa. Tanungin natin ang ating mga sarili: Kailan natin huling pinuri ang magandang ginawa ng ating mga anak? Kinunsite ba natin ang mga maliliit ngunit mali nilang gawi gaya ng pangungupit o pagkahiya sa pagsabi ng totoo? Sinabihan ba natin si Mamang tsuper ng jeep kung mali ang isinukli niya – sobra man ito o mali? Pawang tamang pag-uugali ba nakita ng mga bata sa ating pamumuhay?
Sa pagbubukas ng ating mga paaralan ngayong Hunyo, humingi tayo sa Banal na Espiritu ng liwanag, sigasig, at katapangan upang sama-sama nating hubugin ang mg

No comments:
Post a Comment