Sang-ayon sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), dinumihan ng magkakambal na pagkagahaman sa kapangyarihan at kayamanan ang ating kultura. Dahil dito kinikilala't hinuhusgahan ng lipunan ang tao sa kung anong mayroon siya. Kung maimpluwensiya, nakaupo sa puwesto, o may salapi ka, mabango ka sa iba kahit na nagkasala ka pa sa bayan. Kung malaos, matalo, o maghirap ka, tiyak aapakan ka na lang ng iba.
Ganyang-ganyan ang ginawa ng Kanyang mga kababayan kay Jesus. Noong nagpagaling Siya ng mga may-sakit at nagpakain ng libu-libong tao, nagsipagsunuran sa Kanya ang madla. Hindi ba't gagawin pa nila Siyang hari dahil sa mga kababalaghang ginawa Niya? Hindi ba't tinanggap Siyang parang hari nang pumasok Siya sa lungsod ng Jerusalem? Subalit nang wala ng milagro't pagkain, nang ilahad Niya na ang puso ng Kanyang kaharian ay mapagkumbabang paglilingkod, hindi na "Osana sa anak ni David" kundi "Ipako sa krus" ang ibinulalas ng mga Hudyo.
Kung babalikan natin ang Pasyon ni Jesus, hindi lamang ang maraming Hudyo ang nagkaroon ng papel para idiin ang Panginoon. Alam na alam natin ang pagkahaman sa kayamanan ni Judas. Sa 30 pirasong pilak ipinagkanulo na niya ang kanyang Guro't Kaibigan. Alam din natin ang pagkahaman sa kapangyarihan ni Poncio Pilato na natakot na maalis sa puwesto kung papanigan niya si Kristo. Nandyan din ang mga punong pari't matatanda ng bayan na ginamit ang kanilang kapangyarihan para linlangin ang madla at magpataw ng di makatarungang parusa sa isang inosenteng tao.
Patuloy na nagaganap ang pagpapakasakit at pagkamatay ni Kristo dahil sa di maaawat na katakawan sa kapangyarihan at kayamanan. Kung di ito masasawata, magiging isang dambuhalang bakulaw na bubulaga sa atin ang tinatawag ni Pope Francis na throwaway culture. Sang-ayon sa Banal na Papa, sa ganitong uri ng kultura ang turing sa tao ay isang kasangkapan na lamang. Matapos itong gamitin ay sa basurahan na ang hantungan.
Ito ang aming ipinapanukala:
1. Maging patas tayo sa sinuman. Bilang mga indibidwal at pamayanan tratuhin natin nang pantay ang ating kapwa tao. Kadalasan, ang favoritism ay nagsisimula sa tahanan at paaralan. Mas pinapaboran ng mga magulang o mga guro ang may kakayahang anak o mag-aaral sa iba. Sino ang madalas magkaroon ng papel sa tuwing may palatuntunan sa paaralan? Hindi ba't yung nasa top section o kaya'y anak ng opisyal ng PTA? Huwag nating gawing mas matimbang ang mga mayroon (kayamanan, kapangyarihan, kagandahan, katalinuhan, atbp) sa mga wala.
2. Huwag tayong masilaw sa kapangyarihan at kayamanan. Gaya ng anuman sa mundo, di sila pangmatagalan. Anong saysay kung magkakapit-tuko tayo sa mga ito? Kung magiging sipsip at sunud-sunuran tayo sa mga nasa puwesto o mayaman? Kung gagawin nating sukatan ito ng tagumpay? Kilalanin natin sila bilang mga biyayang ipinagkatiwala sa atin para sa ikabubuti ng lipunan. Sa oras ng kamatayan, huhusgahan tayo kung paano natin sila ginamit.
3. Tularan si Jesus. Walang kinilingan ang Panginoon. Bukas Siya sa sinuman. Sundan natin ang Kanyang di makasariling pamumuhay. Sa ating pagkamatay sa sarili lalo pa nating maipapakilala sa lahat na tumalab sa atin ang pagliligtas ni Kristo.
Sa ating pagdiriwang ng mga Mahal na Araw, hilingin natin sa Mahabaging Ama na akayin tayong magbigay-pahalaga sa lahat lalo na sa mga itinuturing na patapon ng lipunan, na antigin Niya ang ating puso para muling tipunin ang mga kapatid nating itinapon ng gahamang lipunan.

No comments:
Post a Comment