Powered by Blogger.

Thursday, September 15, 2005

Paano Natalo ang Banda 79

anluwage.com


Noong nakaraang linggo ginanap sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbasura sa pagpapatalsik kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa buong magdamag ng Lunes hanggang kinaumagahan ng Martes nasaksihan ng bansa kung paano bumoto ang mga representante. Mayroon ding mga nagpaliwanag ng kanilang boto. Inaakalang mabubuo ang 79 na lagda para ihabla ang pangulo subalit 51 lang ang naglakas-loob na magsabi ng “No”.

Nasaan ang mga kagaya nina Imee Marcos, Baby Asistio, at Bingbong Crisologo na pawang kontra kay PGMA? Noong takdang oras, naglaho silang parang bula.

Isa ring misteryo ang pag-abstain ng ilang mambabatas gaya ni Bai Sendig Dilangalen.

Paliwanag ni Marcos hindi mababago ng kanyang nag-iisang boto ang pagkatalo ng impeachment complaint.

Naniniwala naman nina Asistio at Dilangalen na di na dapat bumoto dahil illegal naman daw ang mandate ng Pangulo.

Nakakadismayang marinig ang ganitong mga saloobin mula sa mga taong tinatawag nating “Honorable”. Paano mo igagalang ang isang mambabatas na walang buto para ilahad ang kanyang boto kahit nag-iisa pa ito laban sa nakararami? Kailan ba naging tungkulin ng isang congressman na husgahang illegal ang panunungkulan ng presidente? Hindi ba’t problema iyon ng Korte?

Naging maganda na sana ang laban sa Kongreso kung nanindigan lang ang mga kinauukulan. Naging malinaw pa sana kung talaga bang nagkasala si Gloria o hindi. Sadyang madaling matalo ang kalabang watak-watak.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP