Powered by Blogger.

Thursday, March 29, 2007

Si Kristo ang Batayan







Si Kristo ang Batayan

Painit na nang painit ang pambansa at lokal na eleksyon. Hindi na bago sa atin ang pagbibitiw ng mga pangakong mas madali pang mapako kaysa matupad, ang pukulan ng paninira, ang balimbingan, at marami pang istorya ng buhay-pulitika sa ating bansa.

Nagdudulot ng kalituhan sa mga tao ang ganitong mga eksena. Hindi makapag-desisyon ang ibang botante kung sino ang kanilang isusulat sa balota. Ang iba nama'y ayaw nang bumoto.

Kailangan natin ang liwanag. Kailangan natin ang kaligtasan. Ito'y dalawang bagay na halatang hindi natin matatagpuan sa ating mga pulitikong wala nang inatupag kundi ang pansariling kapakanan.

Ngayong Pasko ng Muling Pagkabuhay, mainam na muli nating sariwain ang ating pananampalataya sa Diyos. Isinugo Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak para maging Daan sa ating lipunang naliligaw ng landas, Katotohanan sa ating bansang batbat ng kasinungalingan, at Buhay sa ating kaluluwang naghihingalo na sa pasakit ng kasalanan.

Tanging kay Kristo lamang natin matatagpuan ang liwanag at kaligtasan. Siya at ang Kanyang mga aral lamang ang tamang batayan para makapamili tayo ng mga taong nararapat na iluklok sa gobyerno.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP