Powered by Blogger.

Thursday, May 10, 2007

Apat na P

Isang linggo at ilang araw na lang at mag-eeleksyon na. Magandang tanungin ang ating sarili kung nakapagpasya na ba tayo kung sinu-sino ang ating iboboto sa mga pambansa at lokal na puwesto ng gobyerno. Sa mga patuloy pa ring nagmumunimuni nais namin ibahagi sa inyo ang apat na criteria na iminungkahi ni Bishop Teodoro Bacani Jr, Bishop-Emeritus ng Novaliches, sa kanyang artikulo sa Manila Standard Today noong ika-17 ng Abril 2007. Mainam din itong gabay sa sinumang nakapagdesisyon na, ngunit nais pa ring siguraduhing tama ang kanilang gagawin.

Ang apat na criteria o apat na P ay:

Pagkatao - Ang kandidato ba ay maka-Diyos, makatao, at makabayan? Makasarili ba siya? Ano ang kanyang mga prinsipyo sa buhay? Kilala ba siyang lingkod o hagupit sa bayan?

Preparasyon - Anong klaseng paghahanda mayroon ang kandidato para sa puwestong gusto niyang makamit? Mayroon ba siyang pinag-aralan o karanasan para mailuklok siya sa puwesto?

Performance - May nagawa na ba ang kandidato para maging karapat-dapat sa puwesto? Sa mga nagawa niya, lahat ba ito'y pawang mabubuti?

Programa - Mayroon bang pangarap ang kandidato para sa kanyang nasasakupan? Malinaw ba niya itong naipapahayag sa mga botante? Kung mayroon siyang plataporma, ito ba ay sang-ayon sa batas at sa turo ng Banal na Simbahan?

Kami'y nakiisa sa pagdarasal at pagninilay ng ating Bayan para sa isang matalino at malinis na halalan. Maging inspirasyon nawa sa atin ang tagumpay ni Kristong Muling Nabuhay para maibalik natin ang kasagraduhan ng eleksyon na, sa kasamaang palad, ay sinalaula ng mga nagdaang halalan.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP