Isa sa mga nakakabighaning istorya ay ang pagkapanalo ni Fr Ed Panlilio bilang gubernador ng Pampanga. Ang paglahok sa pulitika ng isang pari ay nakatawag-pansin sa marami. Masasabing walang karanasan o pinag-aralan man lang sa pamamahalang-pulitikal si Among Ed, subalit binigyan niya ng alternatibo ang mga Kapampangang suyang-suya na sa kalakalan sa kanilang probinsya.
Mayroong sasang-ayon at mayroon din namang tutuligsa kay Among Ed. Ang mahalaga sa ngayon ay suportahan ng bawat isa ang bagong gubernador. Hindi naging madali para sa kanyang isakripisyo ang pansariling kapakanan para maging isang pari. Ngayon naman, isa na namang pagsasakripisyo ang kanyang ginagawa para maging lingkod hindi lamang ng isang parokya, hindi lamang ng mga Kristiyano Katoliko, at hindi lamang ng mga bumoto sa kanya. Isa na siyang lingkod ng buong lalawigan.
Ang pagtahak ni Among Ed sa landas ng pulitika ay patunay na hindi sa loob ng simbahan nagsisimula't nagtatapos ang pagpapahayag ng ating pananampalataya.
Saturday, May 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment