Powered by Blogger.

Thursday, June 07, 2007

Ang Tunay na Agrabyado

Nagtutunggali ang Simbahang Katolika at pamahalaan sa UK tungkol pag-aampon ng mga nagsasamang pareho ang kasarian. Ipapatupad ng gobyerno ang isang batas na magbibigay kapangyarihan dito na huwag maglabas ng pondo sa mga ahensyang hindi magpoproseso ng pagpapa-ampon sa mga 'magulang' na kapwa lalaki o babae. Binigyang-linaw ni Prime Minister Tony Blair na bibigyan nila ang Simbahan - isa sa mga ahensyang maaapektuhan ng batas na ito - hanggang 2008 para sumunod sa kautusan.

Nakakapagtakang isipin na ang isang maunlad na bansang gaya ng UK, isang bansang gumagalang sa paniniwala ng bawat mamamayan nito, ay makakapagbalangkas ng isang batas na gustong puwersahin ang Simbahan na talikuran ang kanyang pananampalataya . Sang-ayon kay Bishop Philip Tartaglia ng Paisley, isa itong nakakalungkot na kabanata na maaaring magdulot ng bago at di-tiyak na panahon para sa Simbahan sa UK.

Sa makabagong panahon kung saan tinatanggap na ng lipunan ang pagsasama ng dalawang taong pareho ang kasarian, mahalagang huwag nating kaligtaan ang karapatan ng mga bata sa isang buhay na marangal. Sila ang tunay na agrabyado dito.

Nakikiisa kami sa mga kapatid nating Katoliko sa UK. Manatili nawa silang matatag sa kanilang pananalig sa Panginoon at masigasig na ipaglaban ang karapatan ng mga ulila.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP