Powered by Blogger.

Wednesday, September 12, 2007

Babala sa Lahat

Guilty. Iyan ang hatol ng Sandiganbayan hinggil sa kasong pandarambong ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Makalipas ang anim na taon, nakapagpasya na rin ang korte sa isang kasong lubhang nakaapekto sa ating bansa lalo na't sangkot dito ang isang taong minsa'y nailuklok sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan, isang taong kinilala sa pagiging makamasa.

Sumasang-ayon kami sa pahayag ni Arsobispo Angel Lagdameo, Pangulo ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines, na ang pagpataw ng hatol kay Estrada ay isang panawagan para magsisi't magbalik-loob ang dating presidente at isa ring babala sa mga kawatan sa gobyerno.

Bagamat kadalasan ay mabagal at halos hindi umaandar ang mga gulong ng hustisya, hindi ito sapat na dahilan para patuloy na magpasasa sa pangungurakot ang sinumang nasa puwesto.

Ito rin ay babala sa ating lahat. Manatili nawa tayong gising at nagmamasid sa ating pamumuhay bilang mga Kristiyano.

Hindi natutulog ang Diyos.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP