Powered by Blogger.

Wednesday, March 08, 2006

Abangan ang susunod na kabanata

Sang-ayon sa mga tumutuligsa kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, walang ipinagkaiba ang Presidential Proclamation 1017 sa Presidential Proclamation 1081, ang kasumpa-sumpang Martial Law ni Ferdinand Marcos. Parehong yumurak sa malayang pamamahayag at karapatang-pantao ang mga kautusang ito.

Samantala, dinidinig na ng Kataas-taasang Hukuman ang oral arguments tungkol sa PP 1017 kahit hindi na ito ipinapatupad. Inamin ni PGMA na muli niyang bubuhayin ang proklamasyong ito kung kinakailangan. Hindi namin masisi ang ating mga kababayan lalo na ang mga taga-oposisyon at media na mag-agam-agam.

Walang nakakaalam kung kailan matatapos ang pagdinig. Dalangin lang namin na umaksyon ang Korte Suprema sa lalong madaling panahon. Bilang huling takbuhan ng mamamayan huwag nawang sayangin ng mga hukom ang ginintuang pagkakataon para makapagmunimuni at makabuo ng wastong desisyon. Hindi katanggap-tanggap ang desisyong “moot and academic”. Mahalagang malaman natin kung sang-ayon ba ang PP 1017 sa Saligang-Batas o hindi.

Panawagan namin sa mga mamamayan: manatili tayong nagmamatyag.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP