Powered by Blogger.

Sunday, March 16, 2008

Banal na Linggo

Dumako na naman tayo sa pinakabanal na linggo sa buong taon - ang Semana Santa. Sa linggong ito, lalong nagiging marubdob ang ating pag-alala sa pagpapakahirap, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Kristo.

Sa mga Pilipino, maraming paraan para maisagawa ang pag-alala sa Dakilang Manunubos. Naririyan ang Pabasa ng Pasyong Mahal, ang Pag-iistasyon ng Krus, ang Senakulo, ang prusisyon ng Santo Entierro, atbp.

Subalit sa iba, ang Semana Santa ay panahon ng paglilibang sa iba't ibang bahagi ng bansa gaya ng Boracay o kaya'y sa ibang bansa.

Walang kaso ang magpahinga dahil lahat tayo'y nakakadama ng pagod at siyempre, nangangailangan ng pagkakataon para makapag-ipon ng lakas. Kahit mismong ang Panginoon ay nag-anyaya sa Kanyang mga alagad na magpunta sa ilang na lugar para magpahinga. Ang hindi katanggap-tanggap ay ang magsaya sa panahong dapat ay nagninilay at nagtitika ang bawat Kristiyano.

Minsan lamang ang Semana Santa. Anumang gawain ang ating samahan sa linggong ito, siguraduhin nating mapapanatili nito ang kabanalan ng okasyon, siguraduhin nating maipapahayag natin sa pamamagitan nito kung gaano tayo nagpapasalamat sa laki ng pag-ibig ni Jesus sa atin.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP