Inulan ng batikos ang aktor at mang-awit na si Martin Nievera nang kanyang awitin ang "Lupang Hinirang" sa kanyang sariling interpretasyon noong ika-2 ng Mayo sa paglalaban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton.
Hindi tulad ng ibang awitin, isinasaad ng batas na dapat kantahin ang Pambansang Awit sang-ayon sa tempo ni Julian Felipe. Ang anumang pagsalungat dito ay labag sa batas at dapat patawan ng karampatang parusa.
Matatandaang may iba pang mang-aawit bukod kay Nievera ang gumawa ng kani-kanilang interpretasyon sa "Lupang Hinirang" sa mga nagdaang laban ni Pacquiao. Kung dapat parusahan si Nievera, dapat ding ganito ang gawin sa kanila.
Bukod sa tamang pag-awit ng "Lupang Hinirang", mayroon ding patakaran sa pagtanghal ng ating bandila. Isa na rito ang pagbabawal na gawin itong disenyo sa kasuotan. Sa kabila nito, may mga makikita kang mga kilalang Pilipino gaya ni Paeng Nepomuceno na naka T-shirt na animo'y bandera ng Pilipinas.
Sinabi minsan ng dating Pangulong Ramon Magsaysay na kung tayo ay salat sa buhay, dapat tayong maging mayaman sa batas. Nakakalungkot na hanggang ngayon mahirap pa rin ang ating bansa, subalit higit na nakakalungkot na sa kabila ng marami nating mga batas hindi tayo marunong sumunod dito.
Kung sa Pambansang Awit at bandila pa lamang ay pumapalya na tayo, gaano pa kaya sa iba pang mahahalagang bahagi ng ating bansa gaya ng katarungan at kapayapaan? Kung ang mga iniidolo ng madla ang nangungunang lumabag sa mga batas gaya nito, gaano pa kaya ang mga tumitingala sa kanila?
Thursday, May 07, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Ayon kay Cong. Darlene Antonino-Custodio walang masama sa pagkakanta ni Nievera sa Pambansang Awit ng Pilipinas dahil hindi nito binago ang mga titik at hindi nito binaboy ang pagkakanta.
“For me, I think there’s nothing wrong the way he sung our national anthem. Hindi naman niya binago ang lyrics. Nabago ang tono but not the lyrics. Kung lyrics ang binago, doon tayo magalit,”
DAPAT KAY CONG.CUSTODIO AY MAG-RESIGN BILANG CONGRESSWOMAN DAHIL WALA SIYANG RESPETO SA BATAS, NATURINGANG MAMBABATAS PA MAN DIN SIYA.
MALIWANAG SA REPUBLIC ACT 8491 NA ANG TANGING BERSYON LANG NI JULIAN FELIPE ANG DAPAT GAMITIN.
Post a Comment