Panahon na naman ng mga kapistahan sa bawat sulok ng Pilipinas. Panahong inuukol ng mga mamamayan para magpasalamat sa Diyos, magpugay sa patron ng kanilang parokya, magsaya sa mga biyayang tinamo sa nakalipas na taon.
Ang pagdiriwang ng pista ay nakaugat sa ating pagiging isang Kristiyanong pamayanan. Isang pagkakataon para muling tuklasin ang ating pananampalataya at kung paano ito lalo pang mapapaunlad. Maaari itong maisagawa sa pamamagitan ng pag-alala sa naging buhay at halimbawa ng pintakasi ng parokya.
Isang hamon sa bawat komunidad ang pagtanggap sa mga bagong kasapi, sa mga bisita, sa pagbabago, sa biyaya ni Kristo.
May mga pagkakataong madaling tumanggap ng mga bagong mukha, subalit may mga oras ding mahirap. May mga pagkakataong tumataas ang ating kilay sa mga bisita lalo na sa mga di natin kaanib o kauri. May mga eksenang ayaw natin ng pagbabago. "Gaya na lang ng dati!" ang madalas nating marinig sa mga pagpupulong. Minsan din sarado ang ating mga puso sa biyaya ni Kristo. Ito na marahil ang pinakamalaking balakid sa kaunlaran. Kung si Kristong sentro ng buhay ng parokya at anumang Kristiyanong pamayanan ay ayaw nating tanggapin gaano pa kaya ang ating kapwa? Gaano pa kaya ang kanilang mga magagandang ideya?
Habang tayo'y nagdiriwang sa di mabilang na kapistahan sa ating bansa, sikapin nating patuluyin ang biyaya ni Kristong Muling Nabuhay sa ating mga puso. Kung gagawin ito ng bawat indibidwal, lalo pang maitutuguyod ang lahat ng komunidad na kumilala kay Kristo bilang Panginoon at sa bawat tao bilang kapatid.

No comments:
Post a Comment