Nakakalungkot isiping ang seks ay hindi na iginagalang sa panahong ito. Ang paglaganap sa internet at mga piniratang DVDS ng mga sex video na kinasasangkutan diumano ng aktres na si Katrina Halili at ng manggagamot na si Hayden Kho ay isa nang halimbawang di natin dapat ipagwalang-bahala.
Sang-ayon sa imbestigasyon ng Senado, walang tumatanggi sa dalawa na sangkot sila dito. Maaalalang sinasabi ng ating pananampalataya na tanging mag-asawa lamang ang maaaring magtalik.
Hindi man mag-asawa sina Halili at Kho, ang seks ay isa pa ring pribadong aksyon na hindi dapat ilantad na parang nagtitinda ka ng banana cue sa palengke. O isang tropeyo na puwede mong ipagmalaki sa iyong mga kabarkada.
Nananalangin kaming maging masusi ang imbetsigasyon ng Senado upang makagawa ng mga karampatang batas na pipigil na mangyari pa ang paglapastangan sa pribadong buhay ng mga indibidwal. Nakikiisa kami sa pagdadalamhati ni Katrina at ng kanyang pamilya. Nakikiisa kami sa mga samahang nagsusulong para huwag nang maulit ang ganitong pangyayari.
Nananalangin din kaming maging mabubuting ehemplo ang mga magulang at iba pang nakatatanda sa ating mga kabataan upang makilala rin nila ang kasagraduhan ng pakikipagtalik gayon din ang wastong paggamit sa teknolohiya.
Friday, May 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment