Hindi kaila sa atin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga madre sa buhay ng Simbahang Katoliko di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Bagama't di sila inordenahan gaya ng mga pari't obispo, puno ang kamay nila ng samu't sariling responsibilidad sa maraming tao na may iba't ibang pangangailangan. Halimbawa na rito ang mga Missionaries of Charity na itinatag ni Beata Teresa ng Calcutta. Kilala ang mga madreng ito sa kanilang pangangalaga sa mga may-sakit at mga ulilang bata. Nandiyan rin ang Missionaries of the Immaculate Conception na abala naman sa larangan ng edukasyon, mga kapus-palad, at mga katutubo. Marami pang ibang kongregasyon ng mga madre na may kanya-kanyang karisma para sa ikabubuti ng Simbahan at lipunan.
Nakakapagtaka na sa ibang wika, ang tawag sa kanila ay "sister" (sa Ingles) o "suore" (sa Italyano). Subalit sa Kastila at Filipino, ang tawag sa kanila ay "madre".
Magkaiba man ang tawag sa kanila, magandang pagnilayan ang ipinahihiwatig ng dalawang salitang ito:
Bilang "sister", nakikita natin sa kanila ang pagiging isang kapatid, isang kabalikat, isang kasama sa pakikibaka sa mundong ito.
Bilang "madre", nakikita natin sa kanila ang pagiging isang ina, isang tagapag-aruga, isang gabay habang patuloy nating tinatahak ang landas ni Kristo.
Saanmang ministeryo sangkot ang mga madre, masasalamin sa kanila ang pangangalaga't pagmamahal ng Panginoon. Sa kanilang pamumuhay na payak at may pagsasakripisyo, makikita sa kanila ang pagpapakumbaba't pananalig ng Mahal na Birheng Maria na minsang nagsabing "Maganap nawa sa akin ang iyong salita".
Habang pinagninilayan natin ang mga misteryo ng Rosaryo ngayong Oktubre, ipanalangin nating lalo pang matulad kay Maria ang lahat ng mga madre upang patuloy nilang maitaguyod ang pananampalataya ng sambayanan.