Showing posts with label kababaihan. Show all posts
Showing posts with label kababaihan. Show all posts
Saturday, March 07, 2015
Paningin ng Puso
Labels:
kababaihan,
kahirapan,
Kristo,
lipunan,
Maria,
Marta,
pagtatapos,
Pilipinas,
Pope Benedict XVI,
Pope Francis,
San Juan Pablo II,
Simbahan
Thursday, May 02, 2013
Hamon Lalo Na Sa Mga Kababaihan
Madalas, mapapansin nating taliwas sa mensahe ni Jesus ang ating ginagawa.
Sinabi ni Jesus na sinumang hangga't di tayo nagbabago't tumulad sa mga bata, di tayo makakapasok sa Kanyang kaharian (Mateo 18:3). Ngunit, ayaw nating masasapawan ng iba.
Si Kristo ang daan, katotohanan, at buhay (Juan 14:6), subalit ibang daan pa rin ang ating tinatahak, umiiral pa rin sa atin ang kasinungalingan, at namumuhay tayo na walang kabuhay-buhay.
Sinabi ng Panginoon na magiging mabunga lamang tayo kung mananatili tayo sa Kanya (Juan 15:5). Pero pilit pa rin tayong lumalayo sa Kanyang pagmamahal. Sa ibang 'diyos' pa rin tayo umaasa't naglilingkod.
Pinagsabihan din Niya tayong patawarin ang sinumang di natin makasundo para patawarin din tayo ng Amang nasa langit (Marcos 11:25). Ganoon pa man, hirap pa rin tayong pakawalan ang anumang sama ng loob at galit sa puso natin.
Pinagsabihan din Niya tayong patawarin ang sinumang di natin makasundo para patawarin din tayo ng Amang nasa langit (Marcos 11:25). Ganoon pa man, hirap pa rin tayong pakawalan ang anumang sama ng loob at galit sa puso natin.
Ipinagkaloob ni Kristo ang Kanyang katawan at dugo para sa atin (Mateo 26:26-28), subalit bakit 'ostya' at 'alak' pa rin ang tawag o tingin natin sa mga tinatanggap natin sa Banal na Komunyon? Di ba't si Jesus na ito?
Bago Siya umakyat sa langit, ibinilin ng Panginoon na ituro natin sa iba ang Kanyang iniutos (Mateo 28:20), ngunit ayaw nating maging sangkot sa bilin na ito. "Problema na 'yan ng mga pari't madre," ang madalas nating idahilan.
Ilan lang ito sa mga halimbawa kung saan mahina o talagang wala tayong pananampalataya sa Diyos. Sapagkat ang pananampalataya ay isang biyaya kung saan nakikinig at naniniwala tayo sa sinasabi ng Diyos na ating matatagpuan sa Banal na Kasulatan o kaya sa mga banal na tradisyong minana pa natin sa ating mga ninuno.
Nang magpakita ang anghel kay Maria upang ipahayag ang paghirang sa kanya bilang Ina ng Diyos, puno ng pananampalatayang sinabi ni Maria: "Narito ang alipin ng Panginoon. Maganap nawa sa akin ayon sa iyong sinabi"(Lukas 1:38). Naniwala si Maria! Bakit? Dahil tapat ang Diyos (Deuteronomio 7:9)!
Ngayong Mayo, buwan ni Maria, napapanahon ang panawagan sa ating magkaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos. Ito ay isang malaking hamon sa atin, lalo na sa ating mga kababaihan. Sila na mga sangkot sa araw-araw na pamumuhay bilang mga ina, asawa, kapatid, kasintahan, guro, nars, duktor, abogada, madre, 'bisor, atbp. Anumang katayuan mayroon sila sa buhay, nandoon ang kakayahang makaimpluwensiya sa iba. Totoong di ito madali; kahit si Maria'y dumaan din sa matitinding pagsubok. Subalit kung kay Maria pinatunayan ng Diyos ang Kanyang katapatan, gaano pa kaya sa atin? Dalangin namig na bawat kababaihan ay matulad kay Maria, ang Babaeng Uliran sa Pananampalataya.
Labels:
Diyos,
kababaihan,
Maria,
pananampalataya
Wednesday, March 07, 2012
Ang Nararapat Nilang Kalagyan
Puno ng mga makulay na kuwento ang mga Ebanghelyong mababasa ngayong Kuwaresma, lalo na sa mga huling linggo nito. Hindi kumpleto ang Kuwaresma kung wala ang mga istorya gaya ng babaeng nahuling nangangalunya (Juan 8:3-11); babaeng Samaritana (Juan 4:4-26), pagbuhay kay Lazaro (Juan 11:1-45), pakikipagkita ni Jesus sa mga babaeng taga-Jerusalem (Lukas 23:27-28), at ang pagpapaubaya ni Jesus ng Kanyang ina kay Juan (Juan 19:26-27).
Sa mga istoryang ito, makikita natin kung paano nakitungo si Jesus sa mga kababaihan. Isang pakikitungong puno ng pagmamahal, paggalang, pagmamalasakit, at pagpapahalaga. Kung susuriin natin ang mga Ebanghelyo, bagama’t madalas na mga kalalakihan ang kasakasama ni Jesus, matutunghayan ang papel na ginampanan ng ilang kababaihan sa kanilang grupo.
Sa mga lipuna’t kulturang tumuturing sa mga kababaihan bilang ‘second class citizen’, sa mga taong ang tingin sa mga babae’y ‘para sa bahay lamang’, nagsisilbing isang matinding hamon ang magandang pagtrato sa kanila ni Jesus. Isang hamon na nagbibigay-daan sa pagbabago ng kaisipan hinggil sa pantay na karapatan sa pagitan ng kalalakiha’t kababaihan.
Sa ngayon, kitang-kita natin ang kababaihan sa iba’t ibang larangan ng lipunan: edukasyon, pulitika, pagnenegosyo, medisina, agham at teknolohiya, pakikipagtalastasan, batas, atbp. At kahit ang Simbahang Katolika na pawang pinamumunuan ng mga kalalakihan ay mayroong espesyal na debosyon sa Birheng Maria. Kapansin-pansin din ang malusog na paglahok ng mga babae sa sari-sari nitong ministeryo.
Marami pang posibleng gawin upang lalo pang makilala’t mapahalagahan ang papel na ginagampanan ng kababaihan sa ating paligid. Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ngayong ika-8 ng Marso, sikapin nating tularan si Jesus sa Kanyang pakikipag-ugnayan sa kababaihan. Gamitin natin ang Kanyang aral para makalaya sila sa mga mali’t di makatarungang istruktura’t pananaw. Ipalaganap natin ang Kanyang aral para maging bukas ang mga sektor at kulturang salungat sa patas na karapatang pantao ng magkaibang kasarian.
Ibigay natin sa kababaihan ang nararapat nilang lugar sa lipunan.
Subscribe to:
Posts (Atom)


