Showing posts with label mahihirap. Show all posts
Showing posts with label mahihirap. Show all posts
Sunday, August 02, 2015
Kaibigan ng mga Dukha
Wednesday, December 31, 2014
Taon ng mga Relihiyoso
Ngayong 2015, ipinagdiriwang ng buong Simbahan ang Year of Consecrated Life o Taon ng Itinalagang Buhay. Sa selebrasyong ito, hiniling ni Pope Francis sa mga pari, madre, at hermanong napapabilang sa mga religious congregrations o ordeng relihiyoso na gisingin nila ang daigdig sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, kabanalan, at pag-asa.
Sa buhay ng Simbahan, ginising ng mga ordeng relihiyoso ang sangkatauhan. Halimbawa na rito ang Dominican Order na itinatag ni Santo Domingo de Guzman upang ipahayag ang Mabuting Balita ni Kristo at kalabanin ang maling turo na ikinakalat ng mga erehe noong ika-15 siglo. Nariyan din ang mga Jesuit Order na itinatag naman ni San Ignacio de Loyola. Sila naman ay nakilahok sa Counter-Reformation para muling buhayin ang pagiging Katoliko sa iba't ibang istruktura ng Simbahan.
Sa ating bansa, mula pa noong panahon ng mga Kastila hanggang sa kasalukuyan, sangkot sa iba't ibang gawain ang mga relihiyoso. Naging masigasig sila sa pagbuo ng mga bayan at parokya. Naging maalab din sila sa pagtayo ng mga paaralan gaya ng Adamson University, Ateneo de Manila University, Colegio San Agustin, Colegio de San Juan de Letran, De La Salle University, Don Bosco Technical College, Immaculate Conception Academy, La Consolacion College, St. Paul's College, San Juan de Dios Educational Foundation, Santa Isabel College, University of Santo Tomas, atbp.
Bukod sa edukasyon, nandiyan din ang mga ospital at bahay-ampunan na kanilang pinamamahalaan gaya ng UST Hospital, St. Martin de Porres Charity Hospital, Home of Joy, Hospicio de San Jose, at PREDA Foundation.
Bukod sa edukasyon, nandiyan din ang mga ospital at bahay-ampunan na kanilang pinamamahalaan gaya ng UST Hospital, St. Martin de Porres Charity Hospital, Home of Joy, Hospicio de San Jose, at PREDA Foundation.
Mayroon din namang nakikilahok sa mga isyu gaya ng kalikasan, katarungan, kahirapan,kapayapaan, atbp. Mayroon ding nagbibigay ng retreats at nagpapahayag ng Mabuting Balita sa iba't ibang anyo ng media.
Binuksan din nila ang kanilang mga simbahan, kapilya, o monasteryo sa madla gaya ng Baclaran Church, Our Lady of Mt. Carmel Shrine, San Agustin Church, at Monasterio de Sta. Clara. Hindi rin siguro natin makakalimutan ang kanilang iniaambag sa mga awitin sa Misa gaya ng mga Heswitang Fr. Eduardo Hontiveros (SLN) at Fr. Manoling Francisco.
Binuksan din nila ang kanilang mga simbahan, kapilya, o monasteryo sa madla gaya ng Baclaran Church, Our Lady of Mt. Carmel Shrine, San Agustin Church, at Monasterio de Sta. Clara. Hindi rin siguro natin makakalimutan ang kanilang iniaambag sa mga awitin sa Misa gaya ng mga Heswitang Fr. Eduardo Hontiveros (SLN) at Fr. Manoling Francisco.
Bagama't nagkaroon ng batik ang ilang relihiyoso dulot ng mga pang-aabuso ng kanilang mga kasamahan noong panahon ng mga Kastila, hindi ito sapat para ibasura natin ang malaking tulong nila sa pagbuo ng ating kaalaman bilang mga Katolikong Pilipino, sa paggising nila sa atin sa katotohanan.
Kaisa ng Banal na Papa, na nagbuhat rin sa isang relihiyosong orden at dadalaw pa sa ating bansa ngayong Enero, ipanalangin natin na muling matuklasan ng mga kaanib ng samu't saring religious congregrations ang saya ng pagsunod kay Kristo at magsikap na maglingkod nang may ningas sa mga dukha.
Isang Dekada Na!
Natatangi rin ang bagong taon para sa amin dahil, sa awa at paggabay ng Diyos, ipinagdiriwang ng anluwage.com ang kanyang ika-sampung anibersaryo. Parang kailan lang nang ilunsad namin ang aming website. Sa simula, nakatuon lamang ito sa mga taga-Gagalangin, Tundo kung saan ang Tanghalang Anluwage, Inc. ay isinilang, subalit sa paglipas ng panahon, higit pa sa Tundo ang aming pinaglilingkuran. Pangunahing taglay naming balita at lakas ay ang Mabuting Balita ni Kristo. Dalangin namin na sa pagpasok ng bagong dekada, patuloy kaming maging tapat sa aming ministeryo upang kagaya ng mga relihiyosong pari, madre, at hermano, magising din namin ang daigdig sa liwanag ni Jesus. Salamat po sa inyong pagtangkilik at panalangin. Patuloy ninyo kaming samahan, mga kapatid!
Labels:
anluwage.com,
kabanalan,
Mabuting Balita,
mahihirap,
pag-asa,
pananampalataya,
Pope Francis,
religious congregations,
Simbahan,
Tanghalang Anluwage Inc,
Year of Consecrated Life
Wednesday, December 03, 2014
Tumutuktok, Naghihintay
Sa Banal na Kasulatan, ilang ulit na binabanggit ang pinto. Sa Mga Awit (24:7), inuutusan diumano ng may-akda ang mga lumang pinto na magbukas upang makapasok ang Hari ng kaluwalhatian. Sa Ebanghelyo ayon kay Mateo (7:7), hinikayat ni Kristo ang Kanyang mga tagasunod na kumatok at sila'y pagbubuksan.
Isang awiting pang-Komunyon na inaawit kapag Adbiyento ay may mga titik na ganito: Ako ay nasa pintuan tumutuktok, naghihintay. Kung ako'y pagbibigyang makapasok sa tahanan, kayo'y aking sasaluhan, kayo'y aking sasaluhan. Ako ay nasa pintuan tumutuktok, naghihintay. Hango ang awiting ito mula sa Aklat ng Pagpapahayag (3:20) kung saan inilalarawan ni Jesus ang Kanyang hangaring makatuloy sa sinumang tahanang Kanyang tapatan.
Tumutuktok, naghihintay. Ipinapahiwatig ng mga katagang ito ang pagiging banayad at matiyaga ng Panginoon. Hindi sumusugod at namimilit kagaya ng mga masasamang-loob (Juan 10:1-42).
Tumutuktok, naghihintay. Ipinapahiwatig din ng mga salitang ito ang pananaghoy ng mga dukha, ng mga may-sakit, ng mga nangangailangan, ng mga kinikilala ng Panginoon na mga kaawa-awa Niyang mga kapatid (Mateo 25:40).
Tumutuktok, naghihintay. Ang pagtugon sa pangangatok ni Kristo ay nasa sa atin. Gagayahin ba natin ang mga nakapinid na pinto sa Bethlehem noong unang Pasko?
Buksan nawa natin ang pinto ng ating mga puso't tahanan kay Kristo sa bawat sandali lalo na sa Kanyang kaarawan. Tularan nawa natin ang ama ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-32) na laging nakabukas ang kanyang pinto nang sa gayon, madaling makapasok dito ang kanyang anak sa pagbabalik nito (Evangelii Gaudim, 45).
Isang pinagpalang Pasko at masaganang Bagong Taon sa inyong lahat!
Labels:
Adbiyento,
Bagong Taon,
Evangelii Gaudium,
Jesus,
mahihirap,
Pasko ng Pagsilang,
pinto
Thursday, October 29, 2009
Talamak
Hindi na kami nagulat nang magpahayag si Joseph ‘Erap’ Estrada, ang pinatalsik na pangulo ng Pilipnas, ng kanyang pagtakbong muli sa pagka-presidente. Sa palagay ni Erap ang eleksyon sa 2010 ay magsisilbing pagbawi niya sa pagkakataong ipinagkait sa kanya para mapaglingkuran ang masa nang mapaalis siya sa puwesto noong 2001.
Kahit bago pa siya naging pangulo, makikita na ang pagiging makapal ni Erap. Hindi na bago sa atin na isa siyang kilalang babaero. Ang mga anak niya’y di nanggaling sa iisang ina. Kapag nagpunta ka sa San Juan, iba ang kilala nilang ‘asawa’ ni Estrada.
Ang kakapalan na ito ay lalo pang lumala nang maupo siya sa MalacaƱan noong 1998. Inakala ng mga mahihirap na mayroon na silang tagapagtanggol subalit kabaligtaran ang sumambulat sa ating mga mukha nang madawit si Erap sa jueteng at nagpagawa ng mga mansyon para sa kanyang mga babae.
Napatalsik, nilitis, at hinatulan si Erap sa kanyang katiwalian, pero hindi inaasahang iaabswelto siya ni Gloria Macapagal-Arroyo sa pag-aakalang hindi na tatakbo ang dating pangulo. Lalo pa ngang lumakas ang loob ni Erap na ipangalandakang “ Wala akong kasalanan!”
Marami nang personalidad sa ating lipunan ay tinatratong parang mga mamahaling alahas sa kabila ng mga ginawa nila sa lipunan. Ang mga Marcos ay isa nang pangit na halimbawa. Matapos maabswelto, lumahok pa si Erap sa Pilipinas Game Ka Na Ba? at magkakaroon pa ng pelikula. At ngayon ay tatakbo pang muli!
Kung may natitira pa tayong kahihiyan at karunungan sa ating sistema itigil na nating ang pamimihasa ni Erap at ng iba pang nagbabalat-kayong kampeon ng mahihirap!
Labels:
eleksyon,
Gloria Macapagal-Arroyo,
Joseph Estrada,
mahihirap,
Malacanan,
San Juan
Subscribe to:
Posts (Atom)


